Article

ISLA NG BANTON

Ni Lebrant Fetalcorin

 

Isla itong maituturing kung tawagin ay bantoon

Dito'y maraming yagting, kakaunti ang buhangin.

Gulay, niyog, mais at saging ang mga pananim

Tuba sa matayog na niyog ang inumin namin.

Labing pitong barangay ang bumubuo nito

Iisaisahin ko para malinawan ninyo

Poblasyon ang una, kasi pinakasentro ito

Ang Toctoc na malapit ang kasunod dito.

Pangatlo ay Togbongan pang-apat ay Nabalay

At ang pang lima ay ang maunlad na Sibay

Libtong ang pang anim Villagers kung tawagin

Dalagang mahinhin dito'y inyong hanapin.

Sa gitna ng isla Tan-ag ay iyong makikita

Malamig ang klima nasa tuktok siya

Matarik na daan patungo sa kanya

Ingat lang, para malayo sa disgrasya.

 

 

Pangwalong barangay ang babanggitin ko

Na kung tawagin ay tungonan ito

Mainit ang kaunod may hot spring dito

Kaya maraming tao, dito'y dumadayo

Dako pa roon Nasunogan at Yabawon

Dito'y ginagawa yaong mga lanson

Sa tagal ng panahon nayari ang Asuncion

Ngayo'y nagbabyahe na, Lucena at Romblon

Tatlong barrio ang bumubuo ng Tobago

Togong at Banice at saka Balogo

Masisipag, ang mga nakatira dito

Kaya naman sila'y malulusog na totoo.

Lagang, Tumalum at Hambianang nasa hulihan

Wag po ninyo, na ito ay kaligtaan

Pagsapit ng hapon patungo kayo doon

Pulutang nasa dahon, at tubing nasa grapon.